‘Bida Best School Tour’ inilunsad

MAPAPANOOD na ng 4,000 mag-aaral sa Mega Manila ang mga educational na programa sa YeY at Knowledge Channel ng ABS-CBN TVplus matapos ilunsad nito ang Bida Best School Tour.

Nagsimula ang school tour sa CAA Elementary School sa Las Piñas noong Hulyo 14, at sa Landayan Elementary School sa Laguna noong Hulyo 21, kasama ang ilan sa hosts ng Team YeY.

Binisita nina Sam Shoaf at Raven Cajuguiran ang paaralan sa Las Piñas, samanatalang dinalaw nina AJ Urquia at Raven Cajuguiran ang paaralan sa Laguna.

Sinamahan ng Team YeY hosts ang mahigit sa 500 kabataan sa bawa’t paaralan sa pagkanta, pagsayaw, at iba pang aktibidad na may layunin na magturo sa mga mag-aaral.

Namigay ang Team YeY hosts ng loot bags sa mga lumahok sa mga palaro.

Sumali rin ang ibang mag-aaral sa “Knowledge on the Go” na segment sa entablado.

Natuwa ang mga bata sa pagsagot ng mga tanong at quiz-bee tungkol sa Math, Science, English, at Pilipino.

Panoorin ang Team YeY araw-araw ng 8:30 AM at 5:00 PM, at ang Knowledge on the Go araw-araw pagkatapos ng MathDali.

Ang YeY at Know­ledge Channel ay mga free at exclusive channels ng ABS-CBN TVPlus, na mabibili sa halagang P1,499.

Maaring panoorin ang mga programa ng ABS-CBN TVplus sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet at Cavite.