TOTOO kaya ang nakarating sa amin na surang-sura na ang karamihang cast ng kanilang programa?

Kasisimula lang ng programang ito, pero parang ‘di type ng cast ang writer at director dahil nalulumaan sila style nito.

Nagsa-suggest ang mga artistang involved pero siyempre, si direk pa rin ang nasusunod.

Eh ang luma na ng style ni direk na alam nilang hindi na ito bumebenta sa mga manonood.

Kaya minsan, pagkatapos ng take, may hirit ang isang bida, “Ang ganda! Nakakatawa!”

Alam nilang sarcastic ng dating ng hirit na iyun ng bida kaya patagong tumatawa na lang ang ibang cast.

Ang napapansin lang sa kanila, halos lahat sila ay nagmamadali nang umuwi at gusto nang tapusin ang taping dahil hindi na sila ganado sa project na ito.

Sayang naman!

***

Inspired ang cast ng naughty sitcom ng GMA 7 na A1 Ko Sa’yo dahil ang daming magagandang feedback silang natatanggap. Medyo naloloka lang ang iba dahil sa pagka-daring nito na tila binabantayan na yata ng MTRCB.

Mamayang gabi pagkatapos ng Juan Happy Love Story ay isang masayang episode na naman na kung saan magkakaroon ng bukingan sa loob ng mall.

Sinundan doon nina Rolly (Gardo Versoza) at Digna (Jaclyn Jose) ang anak nilang si Kaycee (Denise Barbacena) na nakipag-date kay Erroll (Ervic Vijandre).

Duda nila, hindi nag-aaral ang anak nila kaya pinatawag na sila ng adviser ni Kaycee.

Sa mall ding iyun may ka-eyeball si Primo (Roi Vinzon) para sa kanyang secret date, kung saan nandoon ding nagsa-sideline si Miley (Solenn Heusaff).

Riot ang eksenang magkikita-kita at magkakabukingan sila roon.

One Response