Bidding lulutuin ng Meralco-MVP

Bidding lulutuin ng Meralco-MVP

Hiniling kahapon ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Manila Electric Company (Meralco) na huwag nang isali sa bidding ng power supply agreement (PSA) ang kanilang mga generation company (genco) subsidia­ry at affiliate upang maalis ang pagdududa na nagkaroon ng dayaan o iregularidad.

“These Meralco gencos joining the bidding are the same discredited gencos whose negotiated power supply agreements with the partners firm Meralco had been exposed in a Congressional inquiry for their burdensome and overpriced pass-on charges to consumers,” sabi ni Colmenares.

“No less than the Supreme Court have stopped the PSAs, because Meralco awarded them without bidding in violation of government –mandated competitive selection process (CSP). Energy Regulatory Commission (ERC) officials who accommodated these illegal PSAs had likewise been suspended for graft,” sabi pa ng dating mambabatas.

Nagbabala pa si Colmenares na magiging lutong makaw lang ang bidding kung isasali pa rin ang mga genco na subsidiary o affliliate ng Meralco.

“The upcoming bidding for supply of electricity to Meralco, therefore, will only turn into a charade, if Meralco insists on fielding it own genco subsidiaries and affiliated as bidders for these PSAs. It will be a shame-faced continuation of Meralco ’s earlier attempts to corner these power contracts for itself through the Meralco gencos,” turan pa ng Bayan Muna chairman.

Naalarma si Rep. Zarate sa sinabi ni Meralco President Ray Espinosa na ang CSP o bidding ay makakapagpabagal lamang sa konstruksyon ng 1,200 megawatt coal-fire power plant sa Atimonan, Quezon. Ang naturang power plant ay itatayo umano ng Atimonan One Energy Inc. (Atimonan One) na ang ‘sweetheart deal’ sa Meralco ay pinawalang-bisa sa pinalabas na desisyon ng SC.

Depensa naman ng Meralco, walang umiiral na batas na nagbabawal na makasali sa bidding ang mga affiliated genco.

“There is no prohibition in the law, the DOE guidelines and even in the SC decision that prevent affiliate generation companies from participating in the bidding for power supply requirements of distribution companies,” ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga.

Diin pa ni Zaldarriaga, gumagawa lang ng paraan ang dalawa para maharang ang konstruksyon ng mga bagong power plant at malagay sa kahihiyan si Pangulong Duterte.

Ang Meralco ay pag-aari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.