Hiniling ng isang electric consumer advocacy group sa Department of E­nergy (DOE) at iba pang power industry regulator na ipatigil ang diumano’y kaduda-dudang pamamaraan sa isinasagawang bidding para sa bilyong pisong power supply contract.

Nabatid na kinuwestiyon ni Aya Jallorina, executive director ng Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance (MSK), ang paggamit ng ‘rubric’ na isang scoring system na ginagamit ng dalawang electric cooperative sa Palawan at Marinduque upang matukoy ang ‘lowest responsive bid’ para sa multi-bilyong power supply contract.

Giit ni Jallorina na ang naturang bidding method na ginamit ng mga electric cooperative ay magiging daan para sa mas mataas na power rate sa mga off-grid missionary community at magiging balakid sa isang competitive selection process.

Sinabi ni Jallorina na hindi dapat payagan ng gobyerno ang ganitong me­thod of bidding na ginagawa para sa mga power supply contract.

Nabatid na nagpadala na ang MSK ng liham sa Department of Energy, E­nergy Regulatory Commission, Philippine Competition Commission, at National Electrification Administration para ipatigil ang paggamit ng rubric system. (Juliet de Loza-Cudia)