BIFF tinugis hanggang MILF camp

Nakapasok ang mga tropa ng military sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao habang tinutugis ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (MILF) kahapon ng umaga.

Dahil dito, nagpahayag ng pangamba ang MILF na baka madamay ang kanilang mga kasamahan sa bakbakan pero tiniyak naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na activated na ang peace coordinating mechanism sa Maguindanao area para mamagitan at maa­yos ang sitwasyon.

Tiniyak ni Padilla na nakasentro ang operasyon ng military laban sa BIFF sa mga lugar Shariff Aguak, Pagatin, Mamasapano at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.