Umabot sa 48 pla­yers ang magsasalpukan sa tatlong divisions ng Shell National Youth Active Chess Championships grand finals sa Oct. 1 at 2 sa SM Megamall.

Sila ang nakaligtas sa five-stage regional elims at muli ay sasalang sa nine-round Swiss system tournament na inisponsoran ng Pilipinas Shell, may 20-minute time control at five time-delayed mode (Bronstein system).

Ang mga pambato ng NCR o Big City pa rin ang early favorites, pero gi­gil umagaw ng eksena ang mga galing probinsiya.

Pukpukan ang inaasahang labanan sa kiddies, juniors at seniors divisions, gayundin sa female category tampok ang 15 finalists na nakipagbuno sa male counterparts sa regional elims ng circuit na sanctioned ng Natio­nal Chess Federation of the Philippines.

Kabilang dito sina NCR qualifiers Rheam De Guzman (kiddies), Francois Magpily (juniors) at Rowelyn Joy Acedo (seniors).