SAN JOSE DE BUENAVISTA, Antique — Sinangkalan ni Nicole Meah Pamintuan ang lawak at lalim ng kanyang karanasan para sumisid ng dalawang records at maging pangalawang quadruple gold medalists sa papainit na mga aksyon sa DepEd 60th Palarong Pambansa Binirayan Swimming Pool.
Nakadalawa (100 backstroke, 4×200 medley relay) noong Martes ang pambato ng National Capital Region, saka bumawi sa Day 2 ang nine-time Palaro veteran para tapatan ang 12-year-old Kalibo, Aklan native na si Kyla Soguilon ng Western Visayas na naging quadruple gold tanker na rin.
Unang binasag sa morning heats ng 17-anyos na tubong Calamba at incoming grade 11 sa De La Salle Zobel-Muntinlupa na si Pamintuan ang secondary girls 13-17 100-meter freestyle sa 59.83 seconds.
Sa 8-swimmer finals kinahapunan, nag-clocking siya ng mabagal ng dalawang segundo sa qualifying time niya, pero sapat na para kunin ang fourth gold, ilang minuto lang makaraang primerahan din ang kategorya sa 200m individual medley.
“Target ko po ang six golds kaya short pa ako ng dalawa,” anang kayumangging dalagita na may 19 gold na sa fifth Palaro high school stint niya.
Pahinga siya ngayon bago ang kampay ulit bukas sa 200 free at 4×100 free relay.
Dinagdag ni Soguilon sa mga una niyang gold ang girls 12-under 200 IM tapos ng 100 back, 50 butterfly at 4×100 medley relay.