Sa halip na bigas, pera na ang ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4P’s) para sa susunod na taon.

Ito ang lumitaw sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Senado kaugnay sa 2017 proposed budget matapos magkasundo sina Budget Secretary Benjamin Diok­no at National Economic Development Authori­ty (NED­A) Director General Ernesto Pernia na mainam at pabor sa mga benepisyaryo na perahin na lamang sa halip na bigas ang ibigay bilang bahagi ng 4Ps ng Duterte administration.

Ayon naman kay Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, maganda ang naisip ng pamahalaan na mas praktikal na gawing pera ang rice subsidy para sa mga benepisyaryo dahil mas mapakikinabangan nila iyon.

Kung susumahin, aabot sa P600 ang kada 20 sako ng NFA rice na nagkakahalaga ng P32.50 ang kada kilo dahil magiging P2,000 na ang matatanggap ng bawat benepisyaryo mula sa kasalukuyang P1,400.