Bigas tiyaking sapat sa tagtuyot

Nanawagan sa National Food Authority (NFA) ang isang obispo ng Simbahang Katolika na tiyakin na mayroong sapat na suplay ng bigas ang ahensya bilang paghahanda sa matin­ding epekto ng tagtu­yot na dulot ng El Niño sa mga produktong agrikultura.

Sinabi ni Bishop Va­lentin Cabbigat Dimoc ng Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe, na nagsimula nang matuyo ang mga lupang saka­han at inaasahan ang labis na epekto nito sa suplay ng bigas na dapat nagpahandaan na ng pamahalaan.

“Rice fields are dryin­g up. By June and onwards, people need rice. Kung relief ay pang one or two weeks lamang, NFA should have enough cheap rice supply,” ayon kay Dimoc.

Mahalaga umanong matiyak ng mga namumuno sa bansa ang sapat na suplay ng pagkain lalo na ang bigas.(Juliet de Loza-Cudia)