Bigatin! Abogado ni Revilla sa plunder case, tinapik ni Albayalde

Determinadong panagutin ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang mga taong naninira umano sa kanyang reputasyon sa pagkuha niya ng batikang abogado na si Atty. Estelito Mendoza.

Si Mendoza ang dedepensa kay Albayalde para sa mga akusasyon nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at retiradong police general na si Rudy Lacadin na dinadawit ang kanyang pangalan sa isyu ng ‘ninja cop’.

Dating tumayong abogado si Mendoza para sa plunder case ni balik-Senador Bong Revilla, kung saan nakakuha siya ng acquittal sa kaso.

Nagsilbi rin bilang solicitor general si Mendoza sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nasasangkot si Albayalde sa isyu ng 13 Pampanga cop, na umugong dahil sa Senate hearing sa mga ninja cop.

Ayon kay Senador Ping Lacson, may karapatan si Albayalde na magkaso ngunitnangangamba na baka bumalik ito sa top cop.

“He is within his rights to defend himself if he believes he has a case against those who testified in the Senate hearing. It may be a double-edged sword though, since those retired generals will not take it sitting down and will defend themselves vigorously,” ayon sa mambabatas.

RP