LAUR, Nueva Ecija — Mga tauhan ng mga ­retirado at aktibong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), pulitiko, negosyante at iba pang maimplu­wensiyang nagmamay-ari ng mga lupain ang hinihinalang nasa likod ng pagkamatay sa 4-katao at pagkasugat ng isa sa Sitio Minalkot, Brgy. San Isidro, sa bayan­g ito kamakailan.

Sa talakayang ipinatawag ni Mayor Alexander Daus, sinabi ni Provincial Agrarian Reform Officer Engr. Romeo Cordero na ‘yung lugar na pinangya­rihan ng pamamaril ay sakop ng Lot 28 na okupado­ ng mga naturang maiimpluwensiya.

Matatandaang napatay habang gumagawa ng kubo sa lugar sina Elijo Salvatiera Barbado, 53; Gauden­cio Morales Bagalay, 58; Emerencia Dela Rosa, 58, pawang residente ng Sitio Baterya Brgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija; at si Violeta de Leon Mercado, 57, isang OFW, residente ng Brgy. Mapalad, Sta. Rosa at sugatan naman si Angelita Yasay Milan, 50, residente ng Brgy. Calabasa, Gabaldon noong Setyembre 3.

Naniniwala naman si executive assistant Darrel Morales na dapat imbestigahan ‘yung mga posibleng nag-aahente ng mga lupa, tulad noong nanghihikayat na bayaran lang sila ng P2,000 at magkakaroon ng isang ektarya.