Kung may ibang mga artist na hindi na nag-renew ng kontrata sa YG Entertainment, ang Bigbang ay mananatili sa nasabing agency. Ito’y sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya, legal issue ng naturang boy group.
Naglabas ng official statement ang YG Entertainment na ang lahat ng members ng grupo ay mananatili pa rin sa agency. Ang mga ito ay sina G. Dragon, Taeyang, T.O.P. at Daesang.
Sa official statement, “Big Bang members G-Dragon, Taeyang, T.O.P. and Daesung have renewed their exclusive contracts.”
Ikatatlong pagkakataon na raw since nag-debut ang Bigbang na ang apat na miyembro ay nag-decide na mag-renew ng kontrata nila after renewing in 2011 and 2015.
Sa statement pa rin ng YG Entertainment, “Big Bang is a group which has surpassed the limitations of music alone, changing the very flow of South Korea’s popular culture. We will support Big Bang in all areas so that they can continue to contribute to the history of K-Pop as YG Entertainment’s most representative artists.”
Sa isang banda, ang dating miyembro na si Seungri ay humaharap sa iba’t-ibang legal battles. Didinggin ang kanyang kaso kahit ma-enlist siya.