Bago ang lahat ay nais ko munang batiin ng isang masaganang bagong taon ang lahat ng nagbabasa ng Abante Tonite at sumusubaybay sa ating kolum.

Tuluyan na nga po ­tayong nagpaalam sa 2019 at sa ikalawang dekada ng bagong milenyo. Malaki ang iniunlad ng poker sa nakalipas na dekada.

Patunay rito ang naglalakihang premyo sa mga high-roller event.

Kung sa unang dekada ng bagong milenyo ay puro galing sa Main Event ng World Series of Poker (WSOP) ang nasa top 10 biggest tournament cashes of the decade, sa dekada diyes ay tatlo lang ang nagmula sa WSOP Main Event.

Interestingly, second placer lang ang may pinakamalaking naiuwing premyo sa ­nakalipas na dekada. Ito ay si Bryn Kenney na nanalo ng $20,563,324 sa 2019 Triton Million for Charity.

Bago kasi ang heads up play ay malayo ang lamang niya sa eventual winner na si Aaron Zang kaya mas malaki ang nakuha niya sa kanilang deal.

Pangalawa si Antonio Esfandiari na nanalo ng $18,346,673 sa 2012 Big One for One Drop at pangatlo si Zang na nag-uwi ng $16,775,820 mula sa Triton event.

Ang iba pang nakasama sa listahan ay sina Dan Colman mula 2014 Big One for One Drop (1st, $15,306,668), Elton Tsang mula sa 2016 Monte-Carlo One Drop Extravaganza (1st, $12,248,912), Sam Trickett mula sa 2012 Big One for One Drop (2nd, $10,112,001), Hossein Ensan mula sa 2019 WSOP Main Event (1st, $10,000,000), Martin Jacobson mula sa 2014 WSOP Main Event (1st, $10,000,000), Justin Bonomo mula sa 2018 Big One for One Drop (1st, $10,000,000) at Jonathan Duhamel mula sa 2010 WSOP Main Event (1st, $8,944,310).

Tiyak na mas marami pang poker payers ang magtatangkang mapaunlad ang kanilang buhay sa pagsali sa mga torneo ngayong dekada.

Sana lang ay maging responsible tayo at huwag nating piiting sumali kung hind kaya ng ating bulsa.