Tatlo na namang sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang tumimbuwang kabilang ang puntiryang bigtime drug pusher sa Quiapo at Sta. Cruz, Maynila.
Kasama sa tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga na nasawi ay ang dalawang tauhan ng puntiryang bigtime pusher matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng umaga sa Sta.Cruz, Maynila.
Kinilala ni Plaza Miranda Police Community Precinct commander Police Chief Inspector John Guiagui ang mga nasawi na sina JR Pamelar, na target ng operasyon at itinuturong big time na drug pusher sa Sta. Cruz at Quiapo; Allan Salon at isang alyas Dodong, pawang nasa hustong gulang.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-hs), naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng umaga sa loob ng isang bahay sa may Antipolo corner Leonor Rivera St. Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Guiagui, si Pamelar na sinasabing kaanak ng isang pulis ang target ng kanilang operasyon.
Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance operation ng pulisya si Pamelar pero nahirapan silang hulihin dahil palipat-lipat ito ng hide-out.
Nang matiyempuhan ng mga pulis ay kaagad na umano silang nagkasa ng buy-bust operation pero nanlaban ito kaya’t napilitan ang mga pulis na gumanti at nagresulta sa agarang kamatayan ng mga suspek.
Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang ‘di pa tukoy na halaga ng cash na hinihinalang drug money dahil puro tig-P20 at tig-P100 bills.
May nasamsam dingmga drug paraphernalia, hindi pa tukoy na dami ng shabu at tatlong kalibre ng baril na kinabibilangan ng kalibre .45, .38 revolver at isang magnum .357.
basta pushers at addicts dapat pinagpapapatay na,,,
adik ka rin ba?!hahaha
Good Job po sa mga kapulisan natin sa Maynila… hindi man BIGTIME PUSHER o DRUG LORD mga yan, salot pa rin sa lipunan natin yan kaya dapat lang talaga mawala sila.
BIGTIME PUSHER = puro tig-P20 at tig-P100 bills
Pusher brad PUSHER! lol
Di pa nabibilang yong mga coins…hehehe
Eh ano kung big time pusher? Ang kailangan natin ay big time drug lord. Patunayan ni Digong na serioso at patas siya….ano na nangyari sa kumpare niyang si Peter Lim?
eh bakit ba kasi mainit ka kay peter lim?hahaha na buy bust ba sya?! kaya napapatay ang mga nasa balita kasi talagang may ebidensya an at lumaban…si peter lim hindi pa naaktuhan hndi sya ang nagreretail ng shabu hindi naman sya nanlaban…kelangan ng ebidensya yan..hahaha kaya nga sabi ni digong dapat naaayon sa batas…naaayon sa batas talaga ang nangyaring legitimate operation ng mga pulis at namatay ang target..di ka nman pulis eh tumahimik ka!hahaha