Todas ang isang big time drug supplier at nakumpiska rito ang mahigit sa P6 milyong halaga ng shabu matapos manlaban sa anti-illegal drug operation sa Batangas nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ng Batangas PNP ang napatay na suspek na si Khalid Hashim Sahali, na kabilang sa top priority high value target ng Region 4A police, at isa sa mga bigtime drug personality sa lalawigan ng Batangas at Quezon.
Batay sa report ng pulisya, nakipagbarilan ang suspek sa mga operatiba ng RDEU PRO4A, RID 4A, PIB/DEU Batangas, at PDEA 4A at mga tauhan ng San Juan police station sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Lipahan sa bayan ng San Juan dakong alas-9:00 ng gabi.
Matapos ang transaksyon, bigla umanong nagbunot ng baril ang suspek nang makita nito na mga fake at boodle money ang laman ng bag na ibinayad ng police poseur buyer kapalit ng 1 kilong shabu mula dito.
Kaagad kumilos ang mga puis at pinaputukan ang suspek na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Narekober mula dito ang 10 malalaking sachet ng shabu na may timbang na 1 kilo at nagkakahalagang P6,800,000.00,
Narekober din sa suspek ang isang KG9 INTRATEC Caliber 9mm sub machine gun at ang motorsiklong service nito. (Ronilo Dagos)