Bigyan ng hanapbuhay para iwas kontrabando

Imbes mag-isip na magpasok ng mga kontra­bando sa loob ng bilangguan, binibigyan ng SMMJ ng pagkakakitaan ang mga preso.

Mayroon silang vinyl at t-shirt printing kung saan malaki ang kontrata nila sa iba’t ibang eskuwelahan. Kung P300 sa labas, binibigay lang nila ito ng P200 hanggang P250.

Hindi aniya kailangang tumubo nang malaki ang mga PDL, ang mahalaga ay maging produktibo sila at may pinagkakaabalahan.

Ngayong Disyembre, may mga parol-making sila at paper mache.

Pinapatupad din nila ang ‘Oplan Busilak’ kung saan araw-araw nagkakasa ng greyhound operation para mapigilan ang mga kontrabando at implementasyon ng jail policy and guidelines na nagreresulta sa ‘zero escape’.