Isang lalaki na hinihinalang na-heat stroke ang natagpuang nakahandusay sa kalsada, Biyernes ng tanghali sa Pasig City.
Hindi pa nakikilala ang biker na nakapayong na bigla na lang umanong tumumba habang nagbibisikleta sa bandang Petron station sa C. Raymundo St., ayon sa tanggapan ng Pasig Police.
Agad namang rumesponde ang traffic enforcers ng Pasig at sinugod ang biktima sa Pasig General hospital sakay ng ambulansya na wala pang malay.
Hinala ng pulisya, posibleng nakaranas ang biktima ng heat stroke dulot na rin ng tindi ng init habang ito ay nagbibisekleta. (Vick Aquino)