‘Bikoy’ video uploader pinaubaya ng Palasyo sa NBI, PNP

Hindi makikialam ang Malacañang sa magiging aksiyon ng mga awtoridad sa naarestong person of inte­rest ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kumalat na narco-video ng nagpa­kilalang alyas ‘Bikoy’.

Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ulat na hawak na ng NBI ang uploa­der ng ‘Bikoy’ video na nagsasangkot kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte at sa pamil­ya nito sa illegal drug trade.

Sinabi ni Panelo na tungkulin ng NBI at Philippine National Police (PNP) na magsampa ng kasong kriminal sa sinomang mapapatunayang lumabag sa batas.

Hindi na aniya kailangan pang ang Pa­ngulo ang magdemanda dahil mandato ng mga awtoridad na magsampa ng kaso sa mga luma­bag sa Konstitusyon.

“Kung sabihin nilang involved eh, the President doesn’t even have to instruct them to file, because that’s their job, to file criminal ca­ses against those who violate the law, ‘di ba. The President doesn’t have to instruct any police agency to file any case. It is the duty of the police enforcement agencies to file cases against violators of the law,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na wala silang alam sa nahuling person of inte­rest ng NBI kaya’t hintayin na lamang ang official report na ilalabas ng ahensiya kaugnay sa hinuling tao.

“What we should do is just to wait for an official report on the investigation and why did they arrest this person in inte­rest; exactly what is his participation; what proof do they have,” ani Panelo. (Aileen Taliping)