Biktima ng EJK natagpuan sa N. Ecija

May masking tape sa mukha ang biktima ng summary execution na nakilalang si Jaime Ong Bayaca, nang matagpuan sa isang tulay sa Road 10, Tondo, Maynila kahapon ng mada­ling-araw. (Patrick Adalin)

TALAVERA, Nueva Ecija — May tama ng baril sa ulo at dibdib at nakagapos ang mga kamay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nang matagpuang nakahandusay sa NIA Road, sakop ng Purok 5, Brgy. Bakal 2 sa bayang ito noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Leo Novilla, dakong alas-10:31 ng gabi nang itawag ni SPO1 Alexis Azarcon ng COMPAC Bakal 2, ang tungkol sa bangkay na biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Verde, ­dakong alas-10:00 ng gabi habang nangungur­yente ng isda sina Bernardo Agliam Sario, 43, at Alexander Bagalay Casisiempre, 23, kapwa residente ng Brgy. Matingkis, Talavera, nang kanilang makita ang bangkay ng lalaki.