Isa na namang biktima ng human immunodeficiency virus (HIV) ang namatay sa Iloilo City.
Ang biktima ay kinilala ng isang chief tanod ng barangay na si Junior Castillanes na mula sa Barangay Nabitasan, La Paz, Iloilo City na isang homosexual.
Ayon kay Castillanes, ang biktima ay mahigit 30-anyos at dayo lang umano sa kanilang lugar.
Nang dumating sa kanilang lugar ay tila may iniinda nang sakit ang nasabing biktima at sa ospital na ito binawian ng buhay.