Umamot ng panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Filipino para sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Italy na umabot na sa 280 katao ang namatay.
Sinabi ni Tagle na panalangin na lamang ang magandang maagawa ng mga Filipino para matulungan ang mga namatay, nawalan ng bahay at namatayan ng mga kaanak dahil sa malakas na lindol.
Ipinagdasal din ng Arsobispo na dapat gumawa ng hakbang ang bawat isa para maibsan ang anumang kalamidad at hindi mangyari rin sa bansa.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang search operations sa central Italy at ipinalalagay na marami pang nasawi at pinaghahanap ng mga awtoridad kung saan karamihan ay natabunan ng mga gumuhong bahay at istruktura.