Biktima ni Vinta sa Mindanao patuloy sa paglobo

Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga nasasawi kaugnay nang pananalasa ng bagyong Vinta sa Northern Mindanao.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) ng Northern Mindanao spokesperson Superintendent Lemuel Gonda,  sa kasalukuyan ay tuloy ang retrieval operation sa marami pang nawawalang biktima sa ilang bayan ng Lanao del Norte, na una na ring isinailalim sa state of calamity.

Nasa higit 800 na mga bahay rin ang nasira, kung saan 369 rito ay natangay ng tubig-baha.

Mahigit P25 milyon naman ang halaga ng mga proyektong impraestraktura at agriculture products ang hindi na napakinabangan dahil nasira epekto ng kalamidad.

Napag-alaman na nasa 50,515 katao o 12,990 pamilya ang inilikas mula sa ligtas na lugar kung saan marami sa kanila ay nananatili sa evacuation centers dahil nasira ang kanilang mga kabahayan.

Sa pinakahuling report, umakyat na sa 240 ang bilang ng mga nasawi at marami pa rin ang nawawala sa pananalasa ni Vinta si Mindanao.