Dear Sir:

Inaabangan ang nala­lapit na bilateral talks nina US President Barrac­k Obama at Pangulon­g Rodrigo Duterte na nakatakda sa ika-6 ng Setyembre sa gaganapin na Associa­tion of Southeast Nation (ASEAN) summit sa Vientiane Laos

Pag-uusapan ang mga pahayag ni Pangulong Duterte simula ng maluklok siya bilang Presidente kaugnay ng samu’t sa­ring mga isyu at suliranin.

A­yon kay White House Deputy National Advi­ser Ben Rhodes na madalas umano magkita ang ang mga magkakaalyado na bansa upang talaka­yin ang iba’t ibang usapin kabilang ang kasanayang pantao o deragatoryang komento.

 Ayon naman kay Pangulong Duterte handa siyang makipagpulong kay Obama kahit na patungkol sa isyu ng human rights basta aniya hayaan muna siyang magsalita sa kung ano ang problema ng bansa bago siya kuwestyunin kaugnay sa human rights.

Ito ay matapos magpahayag ang Washington ng pag-alala dahil sa magkakasunod na pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga.

Sana ay higit na ta­lakayin ang isyu na kaugnay sa West Philippine Sea kaysa sa isyu na patungkol sa human rights. Karamihan sa mga nasasangkot sa drug trade, pagpupuslit at paggawa ng droga ay mga Chinese.

Nasakop na nila ang Pilipinas sa pagpapalaganap ng mga iligal na droga. Nawa’y mabigyan rin ng sapat na atensyon ang pagtatanggol sa ating nasasakupang teritoryo.

Huwag naman sanang dumating sa pagkakataon na literal na masakop ng China ang Pilipinas hindi lang sa droga pati na rin sa sarili nitong teritoryo.

— Ivan R. Sigua

Bataan