Bilibid raid, cellphone, patalim nasamsam

Nakakumpiska kaha­pon ang mga kontrabando mula sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology’s (BJMP) Special Intensive Care ­Area sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang magsagawa ng inspeksyon bilang bahagi nang pagpapatupad na mahigpit na seguridad sa kapistahan ng Itim na Poong Nazareno kahapon ng hapon.

Kabilang sa mga nakumpiskang ­kontrabando ay ang mga patalim at ­cellular phone.

Nabatid na alas-tres ng hapon nang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Regional Police Intelligence Ope­ratives Unit, Regional Public Safety Battalion (RPIOU,RPSB) at BJMP.

Ayon kay Chief Inspector Carlito Narag Jr. hepe ng RPIOU, ang naturang inspection ay base sa direktiba ni NCRPO Chief Director ­Oscar Albayalde kasunod ng ilang “unconfirmed ­report” na planong terorismo sa kapistahan ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila.

Nilinaw ng NCRPO chief, na wala naman ­aniya silang natatanggap na “terror threat” sa nakatakdang kapistahan.