Billy at Coleen, nilalanggam sa tamis ng lingkisan

Billy Joe at Coleen Garcia

WALANG bago sa pagcho-chopper nina Billy Crawford at Coleen Garcia para mag-date sa Tagaytay.

Malapit pa ‘yan sa Maynila.
Nabalitaan namin na kapag kinakaya ng sche­dule nila, tila honeymooners sila sa isang exclusive resort sa Siquijor.

‘Yan siguro ang hindi makuha ni Billy kay Nikki Gil noon.
Si Coleen kasi ay libe­rated at walang keber na pagkamalan silang bagong kasal ng mga resort workers dahil sa sobrang higpit at nilalanggam sa tamis ang pagkakalingkis nina Billy at Coleen sa isa’t isa.

‘Yun na!

How To Be Yours nina Bea at Gerald, malamig ang dating

Showing ngayon ang pelikulang How To Be Yours nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Medyo malamig ang dating nito sa tao dahil medyo hindi raw magka-level in terms of stature and talent ang dalawa.

Tingnan natin kung mako-compensate ito ng movie which should real­ly challenge them as actors.

Kung hindi, sayang ang  experiment at pilit­ na paglalapit muli ng dalawang lead stars.
Good luck pa rin!

‘Encantadia’ lampaso sa ‘Ang Probinsyano’

Ano ang nagaganap at medyo parang spaghetting pababa na ang ra­ting na bago pa lang na Encantadia sa GMA 7?

Aminado ang mga Kapuso na lampaso ang kanilang bagong show sa consistent Kapamilya toprater na Ang Probinsyano.

Totoo bang matatanggal na rin ang saksakan ng corny at ‘di nagtatatak na Laff, Camera, Aksyon na hindi lumevel sa ratings ng Celebrity Bluff at Picture Picture na sinundan nina Betong at Sheena Halili.

Anyare? Nahilaw?

***

Kung sino man ang in charge sa sound system sa unang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kailangang managot kay Bayang Barrios na buong pusong inawit ang Lupang Hinirang pero parang nasabotahe ng sound system.

Ka-level iyan ng feedback din sa sound system na gjnamit ni VP Leni Robredo sa kanyang oath taking at inauguration.

Dapat hindi na makaulit ang sound system suppliers na ‘yan!

***

Para kay Solenn Heus­saff, totoo na first love never dies.

Sa kanyang Instagram post kasi, ipinasilip ng Taste Buddies host ang kanyang bagong obra na dagdag sa kanyang paintings.

Post ni Solenn, “Back at it 🙂 #SolennArt”
Nagkaroon ng matagumpay na art exhibit si Solenn noong Abril gamit ang hashtag na #SolennArt.

***

Dalawampung (20) pogilicious hunks ang magpapasiklaban sa grand finale ng Last Man Standing 2016 sa Biyernes nang gabi.

Isa ito sa first anniversary presentations ng One 690, #39 Roces Av, Quezon City.

Tiglilima ng conten­ders ang talent agents na sina Ronald Mendoza Cristobal (Metro Hunks), Shobi Dionela (Shobilicious Men), Karla Jalandoni (Elite Centerfold) at Leklek Tumalad (Men of Asia).

Ang host ay si Genesis Gallios.

***

Sa Sabado (Hulyo 30) na ang Superbodies 2016 sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig.

Magtatagisan sa bikini open ang 17 hunks at 17 babes.
Iho-host ito nina Pastillas Girl (Angelica Yap) at Kuya Jay Machete.

Para sa mga detal­ye, tumawag sa cell# 0905-359-5091.