Billy at Luis, HARUTAN pa more para sa bayan

Billy Crawford

NOON pa natsitsismis na may BROMANCE sa pagitan ng best buddies na sina Billy Crawford at Luis Manzano.

Sa sobrang closeness ng dalawa ay nilalagyan ng malisya ng mga intrigera kahit pa meron silang kani-kanyang girlfriend.

In fairness kay Billy, mas marami ang naniniwala sa pagkalalaki niya kesa sa mga nagdududa.

Si Luis na kung tutuusin ay parang hindi nawawalan ng girlfriend ay noon pa pinagdududahan ang pagkalalaki.

Maging sa social media ay ang daming nag-aakusa kay Luis na bading, samantalang kay Billy ay parang wala namang gano’n.

Ang nakakatuwa sa magkaibigan, pinagtatawanan lang nila ang isyu at lalo pa silang naglalandian para mairita ‘yung mga nang-iintriga.

Ganu’n sila ka-secure sa pagkalalaki nila kaya hindi sila apektado ng tsismis.

Bilang matalik na kaibigan ni Luis, si Billy mismo ang nagsasabing hindi ba­ding ang kanyang BFF at wala itong pakialam sa pagdududa ng iba.

Dalawang taon na ang relasyon ni Billy sa nobya niyang si Coleen Garcia, na kung siya ang tatanungin ay ito na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

‘My everything’ ang tawag niya kay Coleen.

Isang closet gay na security guard ang role ni Billy sa comedy movie ng Regal Films na That Thing Called Tanga Na. Kumonsulta si Billy sa beki bestie niyang si Vice Ganda para tulungan siya sa kanyang role.

Nu’ng una ay takot si Billy na ma-award ni Direk Joel Lamangan na first time niyang nakatrabaho, pero kineri niya rin at in-enjoy ang role ng klosetang sekyu na si Baldo.

Kasama ni Billy sina Eric Quizon, Kean Cipriano at Martin Escudero sa kuwelang beki squad ng That Thing Called Tanga Na na sho­wing nationwide sa August 10.