MAPAPANOOD na ang hit international kiddie talent-talk show na Little Big Shots simula ngayong Sabado (August 12) at Linggo (August 13) sa ABS-CBN.

Nakakatuwa ang pakikipagkulitan ­dito ng host na si Billy Crawford sa mga batang 2 hanggang 12 y/o.

Nakakaaliw!

Hindi po ito contest. Nagpapakitang-gilas dito ang mga chikiting sa kani-­kanyang paraan.

Sa presscon, ang bungad ni Billy, “Parang gusto ko na ring magkaanak…”

Wishful thinking lang iyon dahil next year pa sila pakakasal ng fiancee na si Coleen Garcia.

Syempre, wedding muna bago baby!

Pahayag ni Billy, “Kinalakihan ko na ang pagpe-perform at alam ko kung gaano kasaya ang magbigay-aliw sa mga tao.

“Pero mas grabe ang mga ­bata ­dito sa Little Big Shots, hindi n’yo ie-­expect ang mga kaya nilang gawin at ang talas pa ng isip at very charming.”

Andiyan ang nene na bangis-bangisan sa pole dancing, ang isa pang nene na talentado sa pagde-debone, ang totoy na napaka-cute, at ang isa pang bulilit na nagpasiklab sa Geography.

Ang Little Big Shots ng ABS-CBN ang lokal na bersyon ng show na matagumpay nang nailunsad sa 20 na bansa.

Ito ay nilikha ng American hosts na sina Ellen Degeneres at Steve Harvey.