NI: RONA RONDA

Nag-uumapaw ang kasiyahan ni Billy Crawford dahil magiging isang ganap na siyang ama. Inanunsiyo nilang limang buwan ng nagdadalantao ang kanyang asawa na si Coleen Garcia.

Sa naging panayam sa kanya sa “ASAP Natin ‘To” nitong Linggo, sinabi ng singer-host na sobra siyang nagpapasalamat sa blessing na dumating sa buhay nilang mag-asawa.

Aniya, “We are five months in na sa pregnancy. Sobrang nakakagaan ng loob at sobrang nakakataba ng puso ang biyaya ng Panginoon sa amin.”

Dagdag pa niya, “Kahit gaano kahirap ang pinagdaanan ng mundo ngayon, I am blessed with a little angel in my hands. I am here to love and protect and honor my family. I am so, so happy.”

Dalawang taon nang mag-asawa sina Coleen at Billy. Napawi ang kanilang takot dahil biniyayaan sila ng unang anghel sa kabila ng COVID crisis na pinagdadaanan. (Rona Ronda)