Bilyonaryo nag-donate ng 750K PPE sa `Pinas

Isang bilyonaryong Vietnamese ang nag-donate ng 750,000 na mga personal protective equipment (PPE) sa Pilipinas para magamit ng mga personnel ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nag-aasikaso sa pagpaauwi ng mga overseas Filipino at stranded na mga foreign national.

Inihayag ng DFA sa kanilang Twitter ang ipinagkaloob na mga PPE ng Vietnamese business tycoon at pilantropong si Jonathan Hanh Nguyen bilang tulong para sa proteksyon ng mga frontliner ng DFA kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang anak nito na si Henry Serrano Nguyen, president ng Imex Pan Pacific Group (IPPG) Philippines, ang kanyang naging kinatawan sa pag-turn over ng 750,000 PPE sa tanggapan ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Miyerkoles.

Dumaging ang mga donasyong PPE sa Maynila sakay ng chartered flight na inayos ni Nguyen sa tulong na rin ng Department of Finance, Bureau of Customs at iba pang ahensya ng pamahalaan. (PNA)