Sa kagustuhang mapahaba pa ang sandata o pagkalalaki, tuluyang nasawi ang isang kilalang bilyonaryong diamond trader nang atakihin ito sa puso.
Sa lumabas na report, sinasabing habang isinasagawa ang operasyon o penis enlargement sa pamosong si Ehud Arye Laniado, 65, sa ‘di pa natutukoy na pribadong clinic sa Avenue des Champs-Elysees, French capital noong Sabado ay dumanas ito ng komplikasyon matapos turukan ng injection ang kanyang ari na nauwi sa deadly heart attack.
Kinumpirma naman ng kompanyang Omega Diamonds na pag-aari ng bilyonaryong diamond trader ang pagkasawi ng kanilang founder.
“Farewell to a visionary businessman. It is with great sadness that we confirm that our founder Ehud Arye Laniado has passed away,” ayon pa sa kanilang statement.
Ang bilyonaryong si Laniado ay napag-alamang nagmamay-ari ng ‘most expensive penthouse’ sa Monaco na nagkakahalagang mahigit £30million o mahigit sa P2 bilyon, bukod pa sa yayamaning bahay nito sa Bel Air kung saan nakagawian na nitong uminom ng bote-boteng Chateau Margaux kasama ang mga naggagandahang model at celebrity.
Ang Belgian-Israeli na si Laniado ay sinasabing ‘always focused on his appearance and how others perceived him’, ayon na rin sa kanyang kaibigan.
‘The Argentinian, that is what we used to call him at Omega Diamonds because he looked like a tango dancer,’ dagdag pa nito.