Bimby ayaw maging kahawig si James Yap

NI: REY PUMALOY

Nanatili sa isang resort sa Puerto Galera si Kris Aquino at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Katunayan sa Galera na inabot ng kanyang 13th birthday ang bunso niya . Masisilip din sa Instagram ni Kris ang simpleng selebrasyon nila.

Dahil sa enhanced community quarantine, nag-bake lang ng spaghetti ang una para maging special ang selebrasyon.Sa tulong ng mga kasama ni Kris sa resort, nagawang kompletuhin ang kanilang handa. May gumawa ng gelato cake. Nagbigay ang mga staff ng resort ng carrot cake. Binigyan din sila ng cold cuts at cheese platter.
Sa caption, nagpapasalamat ang actress-tv host sa biyayang natatanggap nila ngayon at sa small family na meron siya sa kasalukuyan dahil malayo sila sa siyudad.

Ipinagmamalaki ni Kris ang kakayahan niya bilang isang ina na ayon sa kanya ay pinagduduhan ng marami. Pero dahil nga nagbibinata na sina Bimby at Joshua, isa itong patunay ng pagiging isa niyang mapagmahal at maarugang nanay.

Anyway, may ilang fan ang nagsabi na kahawig na ni James Yap si Bimby.
Pero, agad itong tinutulan ng bagets .Noong mga oras na `yon ay siya raw ang may hawak ng Instagram account ng mommy niya.
Mahigit isang buwan na ngang naka-lockdown sina Kris sa tabing dagat. Hindi pa sigurado kung kailan sila babalik ng Manila.