MAY rejoinder na ang entertainment editor na si Ricky Lo tungkol sa isyu nila nina Kris Aquino at Michela Cazzola.
Para sa diva that you love, mababaw ang paliwanag ni Kris tungkol sa protection of Bimby’s innocence.
Kung totoo na inaalagaan ni Kris ang pagiging inosente ni Bimby, hindi niya ito dapat isinasama sa TV shows na dating pinagbibidahan niya.
Hindi niya ito dapat binigyan ng ilusyon na pwede siyang maging artista.
Hindi niya ito dapat pinayagang maging product endorser.
At dapat, ‘yung maliit o malalaking pangyayari sa buhay nito, hindi niya ibinabahagi sa social media.
If she were protecting Bimby’s innocence, dapat ginawa na lang niya itong private citizen, away from the limelight and spotlight.
Para lang mga anak of the Hollywood A-listers at mga tunay na belonging to the lifestyle of the ultra-rich and famous.
Pagkatapos mabinyagan ang mga anak, we only get to see them when they are almost 18, tulad ni Roco, na anak ni Madonna. We only saw her son with Guy Ritchie again ngayong 17 years old na siya.
Ang anak ni supermodel Cindy Crawford kay Randy Gerber, we only get to see her when she became a model for a local apparel brand. Si Kaia, na parang younger sister lamang of her famous mother.
Hindi lang si Kris ang may fault tungkol dito.
Lahat ng showbiz parents are just so proud to share their bundle of joys sa Instagram, Facebook, Twitter, YouTube at kung-ano pa.
Tapos, pag ang mga anak, nilait — they will cry foul and hurt — with matching pananakot na they might press charges dahil “inosenteng” bata ang pinaglalaruan niya.
Kung hindi ninyo ibinalandra ang larawan, event o video of your anak in social media, eh you spared him/her from all the wrath and vitriol that the kids do not deserve.
Kaya Kris, kung talagang gusto mo na Bimby grow up as a fine, young gentleman, ‘wag mo na siyang isama sa mga social media post mo.
Spare him from ridicule and all the hate.
Hindi kawalan kung hindi namin malalaman ang mga kaganapan sa buhay niya.
Gitlahin mo na lang kami pag mga 16 na siya o kaya pag tapos na siya sa kolehiyo, doon mo na lang ulit ipakita ang anak mo.
Bimby being away from all the close ups will do him more harm than good.