Binata dedbol sa pagtatanggol

Patay ang isang 23-anyos na binata matapos itong pagsasaksakin habang umaawat sa isang kaguluhan ng mga trabahador sa San Pedro, Laguna Martes nang hapon.

Nasawi bago pa man idating sa ospital ang biktimang si Jeremy Mangi, residente ng Brgy. Laram.

Sa report ng San Pedro police, namagitan ang biktima sa kaguluhang kinasasangkutan ng isa pang biktimang si Edward Esguerra, 23, at mga suspek na ­kapwa mga construction worker at magkakaanak na sina Royeth Alonzo, Iggy Alonzo at driver na si Godofredo Alonzo.

Subalit maging ang biktima ay pinagbalingan ng mga galit na suspek at pinagsasaksak ito.

Nang makitang bumulagta ang dalawang biktima ay agad ding tumakas ang mga suspek.

Idineklarang dead-on-arrival sa Narra hospital si Mangi samantalang inilipat sa ospital sa Maynila ang biktimang si Esguerra. (Ronilo Dagos)