Binatilyo nalunod sa La Union

TUBAO, La Union — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 12-anyos na binatilyo makaraang malunod habang naliligo sa ilog ng bayang ito kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tubao Police Station, kinilala ang biktimang si John Russel Lugue, re­sidente ng Brgy. Pangao-aoan sa bayan ng Ari­ngay na na naligo sa Tubao river sa bahagi ng Brgy. Llones East.

Nakita na lamang umano ng isang concerned citizen na lumulutang ang katawan ng biktima kaya kaagad na itinakbo sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Ito na ang pangatlong biktima kung saan dalawang­ pitong taong gulang na bata ang namatay makaraang malunod sa Aringay river noong nakaraang linggo.