Binatukan ng kaklase, pupil namatay

Isang Grade 9 student ang nasawi nang magtamo ng serious head injury matapos batukan ng kaklase sa loob ng isang paaralan sa Cotabato City.

Ayon kay Isidro Quitor, high school principal, nasawi si Jessie Pulpul, 17-anyos, matapos magtamo ng matinding sugat sa ulo.

Naganap ang insidente habang naglilinis ng kanilang classroom ang mga estudyante kasama ang 15-anyos na suspek.

Ayon sa mga mag-aaral, nagbibiruan sila nang batukan nang mala­kas ang biktima ng ‘di na pinangalanang 15-anyos na estudyante.
Agad na dinala sa hospital sa bayan ng Pigcawayan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

“I have repeatedly reminded students to refrain from physical jokes, or confrontation to avoid accidents like this,” ayon Kay Quitor.
Nasa municipal social welfare office ngayon ang suspek habang nakikipag-usap ang pamilya ng suspek sa kaanak ng biktima. (Vick Aquino)