tonite-imo-vinia-vivarLumipat na nga sa ABS-CBN si Keem­pee de Leon at ang teleseryeng “Nang Ngumiti ang Langit” sa ilalim ng RSB (Ruel S. Bayani) Drama Unit ang kanyang first project.

Ayon sa aktor/singer­ sa presscon kahapon ng nasabing serye, ang last project pa raw niya sa GMA-7 ay ang “Meant to Be” noong 2017. Hindi na raw ito nasundan at pagkatapos ay naging busy na rin siya sa business habang wala siyang proyekto.

“Nu’ng nag-post po ako sa Facebook ko, sabi ko, ‘I miss working,’ nag-comment po si Erick John Salut (ng ABS-CBN), sabi niya, ‘ano ba ang ginagawa mo nga­yon?’ sabi ko, ‘wala akong project ngayon, eh,’” kuwento ni Keempee.

Tinanong daw siya ni Erick John kung open ba siya na magtrabaho sa ABS-CBN at sagot daw niya ay ok naman. At doon na nga nagsimula. After a week ay nagkaroon na siya ng meeting with Star Music and after a few days ay itinawag na raw sa kanya na may bago raw soap ang ABS-CBN at gusto siyang isama sa cast.

Very thankful naman si Keempee na back into acting ulit siya.

“Medyo nangapa lang ako nang konti kasi matagal na nag-serious drama, so thankful ako kay direk FM Reyes (direktor ng NNAL) na gina-guide niya kami,” he said.

Natanong kay Keem­pee ang tungkol sa pagge-guest niya sa “It’s Showtime” na katapat ng “Eat Bulaga” na for the longest time ay alam naman nating naging parte siya na show din ng ama niyang si Joey de Leon.

Inamin naman ni Keem­pee na talagang binawalan siya ni Malou Choa-Fagar (executive ng TAPE, Inc. na produ­cer ng EB) na mag-guest sa kalabang show.

“I’ve been in Eat Bulaga for 14 years and wala na ako sa kanila for 3 years. Si Tita Malou Choa-Fagar, tinext niya ako about that, sabi niya, kung baga, since katapat ng Eat Bulaga, na parang hindi pwede na mag-guest nga, dahil katapat ng Bulaga. Sabi niya, it’s for ethics naman.

“Pero ipinaglaban ko. Sabi ko, ‘gusto ko mag-guest.’ Sabi ko, ‘I’m just being professional to my work,’ and at the same time, lumipat na naman ako, eh, I’m not with them, so gusto kong i-promote ‘yung show. Hindi naman porke’t po nag-guest ako sa Showtime eh kinakalaban ko sila. It’s about the show, promoting Nang Ngumiti ang Langit.

“Sabi ko kay Tita Malou, ‘sana po, walang personalan, trabaho ‘to, eh.’ So it’s my choice and I have to move on,” he said.

Ang “Nang Ngumiti ang Langit” ay mapapanood na simula sa March 25 na pinagbibidahan ng child star na si Sophia Reola. Kasama rin dito sina Kaye Abad, RK Ba­gatsing, Cristine Reyes, Enzo Pineda, Pilar Pilapil, Matet de Leon, Dante Rivero at mga child stars na sina Heart Ramos, Miguel Vergara at Krystal Mejes mula sa direksyon ni FM Reyes.
***

JK pinagbantaan ang buhay

Inalmahan ni JK Labajo ang natanggap niyang death threat mula sa isang netizen. Ipinost niya sa kanyang Instagram Story ang pagbabanta na pasa­sabugin daw ang venue ng kanyang gig.

“P…mo. Papatayin kita humanda ka sa humanda ka sa gig mo papasabugin ko yun wala akong pake sa dami ng mamamtay mapatay lang kita,” ang sabi ng netizen.

Sa unang post ay pabiro pa itong sinagot ni JK. Aniya, “Beshie huli ka na. Palagi kaming may pasabog sa mga gigs namin. Luv u 2 thnx bye.”

Pero sa sumunod na sagot niya, sinabi niyang kapag may nangyari sa kanya ay alam na kung sino ang dapat paghinalaan.

“Basta kung ganyan ang ugali alam niyo na kung kaninong fan ‘yun. Pag may mangyari man sakin kilala niyo na kung sino paghihinalaan niyo,” post niya.
Pagkatapos nito ay nagpasalamat si JK sa mga supporters niya.

“Yung sa mga nagmamahal sakin kilala ko kayo. Binabasa ko mga messages niyo kaso lang di ko marep­layan lahat. Basta. Maraming salamat. Mahal ko rin kayo.

“Andito lang ako sa dilim. . .nagmamatyag. Nakatingin,” post pa niya.