Umakyat na sa halos P4 bilyon ang nalugi sa sektor ng agrikultura matapos bayuhin ng bagyong ‘Tisoy’ kamakailan.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), 132,166 ektaryang lupa ang sinalanta ng bagyong ‘Tisoy’ at 92,701 na mga magsasaka’t mangingisda ang apektado dahil nawala ang 195,046 toneladang mga ani.
Nabatid din sa DA na ang mga nasira at nalugi ay katumbas lamang ng 1% ng kabuuang rice production ngayong taon ngunit katumbas ito ng 9% ng lahat ng ani para sa Disyembre.
Ayon pa sa DA, mayroon itong P250 milyong Quick Response Fund para sa rehabilitasyon at may P65 milyon pa ang Agricultural Credit and Policy Council para sa survival recovery program na magsisilbing tulong sa mga nasalanta. (Eileen Mencias)