BINGI SA KATOTOHANAN

Richard Reynoso

AKALA ko, tapos na ang mga patutsada sa King of Ngongo Singing na si Daniel Padilla.

Hindi pa pala.

Usap-usapan ang Facebook post ni Richard Reynoso, the singer behind the classic pop ditties na Paminsan-minsan at Hindi Ko Kaya.

Aniya sa FB, “Halehalehoys!!! Iba na tala­ga ang panahon ngayo­n. Dati, pag kumakanta ka sa beauty pageant, hina­harana mo ‘yung mga kandidata and make them feel na sila ang pinakamagandang babae at that very moment.

“Ngayon, mukhang backdrop na lang ang mga kandidata at di na din yata required na nasa tono ka sa pagkanta. Nuba?!” #binibiningpilipinas2017 #walanamangganyanan #sobrangdismayado #ginawangvideokeangbigdome #ibanatalagangayon #wasak #walanabangiba.”

Marami ang sumang-ayon sa obserbasyon ni Richard.

At siyempre pa, ‘di hamak na mas mara­ming taga-team Daniel ang hindi matanggap ang katotohanan kaya niraratrat nila si Reynoso.

Well, BINGI sa katotohanan ang fans ni Padilla.

In their eyes, Daniel can do no wrong. At tila, tolerated ang kanyang mga ginagawa.

Kasi, he brings millions to his mother company.

***

Post later on Richard sa FB, “Me kumopya nitong article na ‘to at in-edit ‘yung ilang parts sa ASAP fanpage para tuluyan nang uminit ang ulo ng fans ni Daniel Padilla sa ‘kin.

“Halatang may malisya pero okay lang ‘yun. Salamat sa mga nag-comment at naintindihan ang saloobin ko.

“This is what I have to say…

“I had my time dahil maraming beses ko na pong ginawa ang mangharana sa beauty pa­geants nu’ng time ko.

“Di po ako nagpapapansin o naiinggit. Di din ako nakikipag-away at namemersonal o sumasakay sa popularidad ng iba. “Nagbigay lang po ako ng opinyon sa performance ng kasamahan sa industriya at sa kaibahan ng panahon ngayon kumpara noon at ginawa ko ‘yun sa FB page ko.

“Ang sinabi ko, expected ko na me masasaktang fans ni Da­niel pero hindi persona­l ang puna ko at mas makakatulong kayo sa idol n’yo kung makikinig kayo sa constructive criticism.

“Peace!”