Namahagi ang pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte City sa Bulacan ng vegetable seedling bilang ayuda sa mga residente nito para maengganyo at matulungan itong magtanim sa gitna ng pandemya.

Ayon kay San Jose del Monte City Mayor Arturo Robes isa itong hakbang para maturuan ang mga residente lalo’t inaasahang magtatagal pa ang krisis na bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Mayor Robles na susuwelduhan ng pamahalaang lungsod ang mga magsasaka na magtatanim ng gulay sa open spaces ng mga subdivision sa ilalim ng ‘cash for work program’ ng siyudad.

“Hanggang sa makaani sila ay doon lang ititigil ang pasuweldo sa mga ito, “pahayg ni Mayor Robles.

May 2000 magsasaka, laborer, pintor, at mga karpintero na nawalan ng hanapbuhay ang ngayon ay nasa ilalim ng kanilang “cash for work program.”

Sa ngayon, ang ginagawa nila ay pagkukumpuni ng mga sira sa mga pampublikong paaralan samantala ang mga residente ay makatatanggap ng libreng punla ng gulay. (Riz Dominguez)