Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos makitang tadtad ng tama ng bala sa katawan sa isang madamong lugar sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Tadtad nang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa edad na 30 hanggang 35-anyos, nakasuot ng kulay puting sando at asul na short at katamtaman ang pangangatawan.

Batay sa imbestigasyon ng Taguig City Police alas-10:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa DBP Avenue corner East Service Road Barangay Western Bicutan, nang nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang security guard na nakakita sa bangkay.

Agad naman rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar na kung saan, naabutan nilang wala nang buhay ang biktima.