MILDRED A. BACUD:Maraming mga artista ang nagpahayag ng kanilang suporta sa renewal of franchise ng ABS-CBN. Nakiisa rin ang mga Kapuso tulad nina Dingdong Dantes, Jasmin Curtis, Atom Araullo at marami pang iba.
Pero iba rin naman ang dating ni Binoe na sentro ng mga basher ngayon dahil sa mga post niya tungkol sa isyu.
Well, kilala naman talaga ang aktor bilang tagasuporta ng Pangulong Duterte. Pero bina-bash nga siya ngayon ng ilang netizens dahil wala raw itong utang na loob.
Bukod sa asawang si Mariel Rodriguez na isa sa mga hosts ng It’s Showtime (nasa bakasyon lamang dahil nanganak) idagdag pa ang maraming kamag-anak niya na artista ng Dos, halos lahat naman daw ng projects ni Binoe ay sa ABS-CBN.
Sa recent post ni Robin sa Instagram sinabi niyang, maglabasan na tayo para makita ng publiko let us give it to them tutal napakadrama niyo gawin na nating teleserye punuin na natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag-uusapan sa korte at congress.”
Dito na umalma si Ethel Espiritu, isa sa mga ehutibo ng ABS-CBN . Binigyang diin ang minsang sinabi ni Angel Locsin sa social media, “ Think before you click.” Mabigat din ang mga salitang binitawan niya kay Robin na kung may mga pinaglalaban daw pala ito no’n sa pamamalakad ng Kapamilya ay bakit hindi niya ito pinaglaban. Kung kontrata daw ang pinaglalaban ni Robin, napakalaki raw ang per taping nito at bakit hindi na lang niya shinare ang blessings niya kung totoong makabayan ito.
Humaba na nga ang usapin tungkol dito at habang sumasagot si Robin sa isyu ng Kapamilya network ay hindi ito matatapos. Pero kung maraming basher ang aktor, marami rin naman ang sumusuporta sa paninindigan niya. Ika nga kanya-kanyang opinyon lamang.
Sa nangyayari mga ka-Cuatros feeling ko binibigyang tuldok ni Robin ang relasyon niya sa Kapamilya network. Im sure hindi natutuwa ang Dos sa stand niya. Mabigyan pa kaya siya ng project sa Kapamilya?
RODEL FERNANDO: Anuman ang maging stand ni Robin sa kaganapang ito ay mapupulaan siya. Kung halimbawa mang pumabor siya sa Kapamilya Network, sa panig naman ni Pangulong Duterte siya mapapasama. Kilalang masugid na supporter siya ni President Digong kaya hindi nakakapagtaka na pumapabor siya sa una.
Pero dapat ding alalahanin ni Robin na nakatulong din ang ABS-CBN sa kanya. Sa mga panahong hindi na ganoon kainit ang kaniyang popularidad ay pinagkatiwalaan siya ng higanteng network. Isa pa, ito ang istasyong nakikinabang din ang kanyang asawa, kapatid, pamangkin.
Gayunpaman, nakikita talaga sa aktor na may paninindigan siya. Kahit alam niya na may mga kaibigan at mga kasamahan niya sa industriya na hindi papabor sa kaniyang mga desisyon ay hindi siya natatakot. Kung ano para sa sarili niya ang alam niyang tama ay ipinagpapatuloy niya.
ROMMEL PLACENTE: Grabe naman kasi ang FB post ni Robin laban sa ABS-CBN 2 at sa mga big stars nito.Hinahamon niya ang mga itong ipakita ang kanilang network contracts para raw maikumpara ang kinikita ng mga artista sa kinikita ng ordinaryong manggagawa ng nasabing nerwork. Pinalalabas niya na kawawa ang mga taong behind the scene. Inisip niya siguro, na kaya ayaw ng mga big stars ng nasabing network na mawala na ito, dahil mawawala ang malaki nilang kinikita
Sabi ng kanyang detractors, bakit siya ba ay hindi rin malaki ang kinikita bilang isang artista? Alam naman daw niya na talagang malaki ang talent fee ng isang artista na tulad niya. Kaya dapat daw ay hindi niya kinukwestyon ang mga ito. \
Nu’ng may sitcom at serye pa nga raw siya sa ABS-CBN, malaki rin ang talent fee niya.
Sana raw bago nag- post si Binoe ng banat niya sa ABS-CBN at sa mga artista nito ay nag-isip muna siya ng maraming beses. Hindi raw ba niya alam na marami siyang nasaktan na kapwa niya artista.
Pero talaga lang sigurong matapang siya.Kaya nga siya naging action star,e!Wala siyang inuurungan sa naging opinyon niya.
Pero sa naging hamon na ito ng action star, sino kayang matapang na artista ang sasagot sa kanya?
RONA RONDA: Mukhang gusto ni Robin na pag-usapan dahil sa mga rebelasyon niya.
Hirit ni Ma’am Ethel: “Kaya nalulungkot kaming Kapamilya niya. Puwede naman niya kaming kausapin. Madami siyang kaibigan sa amin kahit magkakaiba kami ng pinapaniwalaan at pinapanindigan sa buhay.”
Tweet pa ni @EthelMEspiritu, “Last, quo warranto ang issue Bakit lihis ka sa issue? Ahhh. Okay. Makabayan ka di ba? Panindigan mo ang real issues ng bansa natin. Let us practice what we preach.
Anyway, lumalabas sa sariling bibig ni Robin na kahit malaki ang naitulong ng network sa kanya ay hindi siya magbubulag-bulagan. Ang dating niya ay parang tagapagtanggol siya ng mga malilit na manggagawa .
Resbak ni Binoe sa kanyang IG account: “Mam Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga abs cbn batid nila ang aking pagtulong sa mga empleado nito lalo sa pangbili ng gamot , libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc Mam ethel pakitanong mo sa set ng sana dalawa ang puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng abscbn walang iba kundi si mam gina lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees.”
Maging si Maam Rocky Ubana ay na-call out na rin niya at kinwestiyon ang mga naging patakaran nito sa empleyado.
Bukod dito, may mga nakabinbin din umanong labor case sa korte mula sa empleyado mismo ng network.
Tungkol naman sa utang na loob niya sa Dos sa mga proyektong ibinigay sa kanya, nagpapasalamat pa rin naman daw siya dito. Ang isyung pinupunto niya ay tungkol sa franchise at labor ng network.