Sa tabi mismo ng kanyang asawa at mga anak pinagbabaril at napatay ang 46-anyos na mister habang nanonood ng telebisyon sa loob ng inu­upahang kuwarto, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala sa noo at dalawa sa katawan ang biktimang si Joseph Javier Jr., alyas ‘Negro’ ng Zaragosa Street, Tondo, Maynila.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Jay Balagtas, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente.

Naniniwala ang asawang si Arlene na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay.