Mga ka-Misteryo, kahit anong oras, gabi man o araw ay walang pinipili ang multo. Tulad na lamang ng kuwentong karanasan ni Dulce ng Makati.
‘Yan ang ating paksa ngayon ‘Basta may Misteryo, alamin ang totoo!’
Saktong alas-sais nang umaga nang magising si Dulce para maglista ng mga pautang at sa araw na iyon ay maniningil siya.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nilang mag-ina.
Napansin ni Dulce ang biglang bukas ng pinto kaya sinabihan ang anak: “Bumukas ang pinto Wala naman hangin.”
Biglang sumagi sa isip ni Dulce na merong multo na pumasok. Hindi nga siya nagkamali, biglang may lumitaw na dalawang paa ng lalaki sa kanyang harapan.
Nang usisain ng #TeamMisteryo, sinabi ni Dulce na nagulat siya at hindi natakot dahil sanay na siyang makakita ng multo.
Team Misteryo: “Anong ginawa mo? Tumakbo ba kayong mag-ina? Ano reaksyon ng anak mo?”
Dulce: “Hindi kami natakot kasi sabi ko mawawala din ‘yan, baka nagparamdam lang.”
Team Misteryo: “‘Yun ba ang unang pagkakataon na nagparamdam ang multo? May nangyari pa ba? Sino siya?”
Dulce: “Hindi kami kumilos na mag-ina dahil sanay na kami. Pero nang sumunod na mga araw ay ginambala ako ng humahagulgol na lalaki. Natuklasan kong meron palang lalaking nagbigti sa inuupahan namin at pinagdasal ko ang kanyang kaluluwa.”
Karaniwan nagpaparamdam ang mga kaluluwa kapag hindi pa sila matahimik kaya maaari natin silang ipagdasal para makaakyat sa langit.
***
Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.