Mga ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng anghel? Hmmm… ‘yung totoong anghel na nagbibigay inspirasyon at proteksiyon sa ating mga nilalang sa lupa?
‘Yan ang ating misyon: “Kapag may Misteryo, alamin natin ang totoo!”
Isang kuwentong karanasan ang ipinagtapat ni Gerry ng Caloocan sa #TeamMisteryo nang minsan sa kanyang meditasyon ay bulagain siya ng isang anghel.
Isang yoga practitioner si Gerry at nakagawian na niyang mag-meditate para maging klaro ang isipan at ma-relax ang katawan pagkatapos ng maghapong trabaho.
Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang meditasyon nang maramdaman niya ang kakaibang enerhiya sa paligid at may nalanghap siyang kakaibang bango na hindi niya mawari kung manamis-namis na amoy.
Napangiti sa meditasyon si Gerry dahil alam niyang nakapagbibigay ng magandang epekto sa kanyang katawan ang enerhiyang iyon.
Nang biglang lumitaw at laking gulat niya nang makita ang napakalaking nilalang sa kanyang harapan at sobrang liwanag ng paligid, nagulat si Gerry at halos matumba siya sa pagkakaupo sa kanyang meditasyon sabay tanong “Sino po kayo?”
Sumagot ang matangkad na nilalang: “Isang kaibigan mo Gerry.”
Gerry: “Sandali hindi po kita kilala, paano kita magiging kaibigan?”
Anghel: “Lagi mo ko tinatawanan sa oras ng may problema kang espiritwal kaya isa akong kaibigan.”
Gerry: “Teka ha ang lagi kong tinatawagan ay si St. Michael the Archangel, ikaw ba ‘yun?”
Anghel: “Buti alam mo kaibigan.”
Gerry: “Naku Salamat naman at nagpakita ka sa akin, karaniwan ko lang nararamdaman ang presensya mo ‘pag tinatawagan kita. May problema po ba at dumating ka?”
Anghel: “Wala naman kaibigan, gusto ko lang sabihin sayo na andito lang ako ‘pag kailangan mo. Salamat sa tiwala mo sa langit.”
Pagkatapos nun ay biglang nawala ang anghel sa kanyang harapan at halos maiyak sa katuwaan si Gerry dahil damang-dama niya ang malakas na enerhiya na nasagap niya sa arkanghel.
***
Para sa inyong mga karanasang kababalaghan o misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang aking website www.reytsibayan.com at abante.com.ph.