BIR pinagpepreno sa tobacco company  

Pinagpepreno ng House committee on labor and employment ang Bureau of Internal Re­venue (BIR) sa kanilang ­planong ipasara nang tuluyan ang operasyon ng Mighty Corporation dahil hindi umano bababa sa 300,000 Filipino kasama na ang may 6,000 empleyado ang mawawalan ng hanapbuhay.

Ginawa ni Cagayan Rep. Randolph Ting ang nasabing pahayag matapos ihayag ni BIR Commissioner Ceasar Dulay na plano nilang ipasara nang tuluyan ang opera­syon ng nasabing kum­panya ngayong buwan.

Pabor si Ting na habu­lin ng gobyerno ang na­sabing kumpanya na may atraso umano sa ­gobyerno na aabot ng P9 billion dahil natuklasang gumagamit ang mga ito ng mga pekeng stamp tax sa kanilang mga ibinebentang sigarilyo.

Gayunpaman, ­hindi umano dapat isakripisyo ng gobyerno ang ­trabaho ng mga empleyado ng kumpanya at maging ang hanapbuhay ng may 55,000 tobacco farmers na katumbas ng 300,000 kasama na ang kanilang pamilya.

“The President already ordered to deal with them (out of court settlement). They should be ­penalized but their opera­tions should not be cancelled,” ani Ting kaya ipi­nakonsidera ng kongresista ang plano ng BIR.

Malaking epekto ito aniya sa employment rate ng Pilipinas kapag nagkataon kaya pinaghihinay-hinay ng mambabatas ang BIR subalit igi­niit nito na dapat pagbayarin ang Mighty Corporation ng kanilang ­buwis.

Dahil dito, kailangang sumunod na lamang umano ang BIR sa ­direktiba ni Duterte na makipag-out of court settlement para maisalba ang trabahong nakatakdang ­mawala kapag nagkataon.