Bantay-sarado pa rin ng Bulacan PNP at Provincial Veterinary Office (PVO) ang quarantine check-points sa kabila nang inalis na ang poultry ban.
Ito ay dahil nais umanong makasiguro ng provincial government na hindi makakapasok sa probinsya ang mga kontaminadong manok na galing sa Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay Dr. Voltaire Basinang, pinuno ng PVO, mahigpit nilang binabantayan katuwang ang Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulacan PNP ang mga checkpoints sa bayan ng San Miguel, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Sta. Maria, Calumpit at Meycauayan City upang matiyak na bird flu free ang probinsya.
Humihingi rin ng paumanhin ang lokal na pamahalaan sa mga biyahero ng manok dahil sa checkpoints sa Bulacan dahil nakasalalay dito ang industriya ng manok sa lalawigan bagama’t inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pagbiyahe ng poultry products mula sa Luzon patungong ibang rehiyon sa bansa.