Birit Queens, tagumpay sa US

Birit Queens

Kung ratsada sina Martin Nievera at Lani Misalucha sa kanilang sold-out shows sa iba’t ibang parte ng Amerika, suwerte rin ang Birit Queens ng ASAP na sina Jona, Morissette, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto na sunud-sunod ang shows doon.

‘Yung show nila noong Mayo 28 sa Los Angeles, California, aba, sobrang successful.
Ilang friends namin na taga-L.A. na nakapanood ang puring-puri ang show!

Ang galing daw ng apat na miyembro ng Birit Queens, ‘noh?!

At least, sa dami ng Pinoy singers na nagsu-show sa Amerika, aba, hindi basta nagpatalbog ang Birit Queens, huh!

***

DAHIL sa common friend nila na nag-organize ng celebrity screening ng Dear Other Self, um-attend si Ruffa Gutierrez at ang mga anak niya sa VIP screening sa Uptown Mall ng pelikula ni Jodi Sta. Maria.

First time na nakapanood si Ruffa ng pelikula ni Jodi at naaliw siya sa aktres.

After ng screening, sinabihan ni Ruffa si Jodi na nag-enjoy siya sa movie.

Nabaitan din ang mga anak ni Ruffa kay Jodi.

Si Ruffa ang endorser ng Cosmo Skin at nag-endorse ng Cosmo Body si Jodi na parehong mga produkto ng BARGN nina Niño Bautista at Red Gatus.

Sabi pa ni Ruffa, type niya ang simpleng ugali ni Jodi, kaya malamang na magka-bonding uli sila.

Sabi namin kay Ruffa, imbitahan niya si Jodi sa celebrity screening ng 5th season ng reality TV show nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Hulyo.

***

Nagbakasyon kami sa Guam, USA noong nakaraang weekend.

Ang mga kaibigan naming sina Rachel Lag­rimas at Bhing Prangan ang nagkuwento sa amin na tagaroon ang former actor na si Bojo Molina.

Dating cast ng Gimik, weekend series ng ABS-CBN si Bojo.

Nang mawala sa showbiz si Bojo, sa Guam siya nagpunta.

Nag-asawa’t nagkaroon ng mga anak si Bojo.

Nag-message kami kay Bojo sa Facebook at kinumusta namin siya dahil ang kuwento ng mga kaibigan namin ay may radio program siya sa Guam.

Ayon sa dating teen actor, wala na siya sa radio.

“Hi Jun! Nope, I am not with the Filipino radio station anymore.

“I am with Sorensen Media Group now heading the Red Dragon Creative Agency.

“I am the creative head,” message sa amin ni Bojo.

Kuwento ng mga kaibigan namin, kahit wala na sa showbiz si Bojo, kapag nakikita ng mga Pinoy sa Guam, marami pa rin ang nai-starstruck sa dating teen actor.

***

Malapit na raw ipalabas sa GMA 7 ang I Heart Davao na mga bida sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa Mulawin vs. Ra­vena ay namatay na ang karakter ni Tom na si Rodrigo.