Birthday wish ni CGMA, ibinalato kay Duterte

Wala nang mahihiling pa si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang ika-70 kaarawan, kaya’t ibinalato na lamang niya ang kanyang birthday wish para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“On a personal level, I think I have everything. So I have no personal birthday wish. But because I have been a leader, of course I have my wishes for the country. And my wish is for the success of President Duterte because his success is the success of the country,” sambit ng dating Pangulo.

Bukod sa tagumpay sa pamamahala, hiling din umano ni Arroyo na maging maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte.

Bahagyang nayanig ang alyansa ni Arroyo kay Duterte matapos itong sibakin ng isa pang kaalyado ng pangulo sa Kamara na si House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa hindi pagboto pabor sa pagbabalik ng death penalty.

Ang dating Pangulo din ang isa sa matunog na papalit kay Alvarez, subalit nagpahayag ito na hindi siya interesado sa puwesto at buo pa rin umano ang kanyang suporta sa liderato ng Kamara.