Bisa ng paglalakad!

paglalakad

Importante sa isang tao ang paglalakad.

Hindi biro ito dahil maraming benepisyong dulot ito.

Unang-una’y gumagana nang husto ang puso at baga ng isang taong pala-lakad. Ito ay dahil  naipararating sa buong katawan nito ang oxygen nang mas maayos, mas mabilis at mas efficient.

Hindi lang iyan, sa pag-aaral ay lumabas na nakakatanggal ng stress at depression ang bawat paghakbang. Iwas-osteoporosis din ito at malaking tulong para maiwasang dapuan ng breast at colon cancer. At higit sa lahat, iwas-diabetes din ito at heart attack.

Kaya kung ayaw mong dapuan ng mga nabanggit na sakit ay umpisahan mo nang maglakad.

Payo nga ng mga experts ay kailangan mong ma-maintain ang 6,000 hakbang kada araw.

Katumbas ng 2,000 hakbang sa isang milya ang 20-minutong paglalakad.

Para naman sa mga nagpapapayat ay kailangang 10,000 steps daily ang kailangan nilang i-career para mabawasan ng timbang.

Maiba muna tayo, batay naman sa isinagawang research ng Universite Catholique de Louvin, lumitaw na malalaman sa lakad ng isang babae kung mahilig ito sa sex.

Nasa paglalakad din malalaman kung tunay o bading ang isang lalaki.

Pero ang suma-total, mas lapitin umano ng mga sakit ang mga tamad maglakad.

Kaya kung malapit lang naman ang pupuntahan ay maglakad na lang – at kung isang palapag lang ang aakyatin, sa halip na mag-elevator ay maghagdan na lang.

Ano pang hinihintay ninyo? Tara, lakad na tayo!