Vice Ganda
Vice Ganda

AS you read this, nakaalis na kaninang madaling-araw pa-South Korea si Vice Ganda.

May Pusuan Mo si Vice Ganda sa Korea: Nagmahal. Nasaktan. Nag-concert bukas sa Ansan Olympic Hall.

Pero hindi lang ang concert ng TFC (The Filipino Channel) ang sadya roon ni Vice.

Isasabay na niya ang pagbabakasyon dahil isinama niya roon ang nanay at dalawang kapatid.

Ang nanay ni Vice, galing pa sa San Francisco, California kung saan ito based.

Gusto ng gay TV host/comedian na ipasyal naman ito sa South Korea kaya isinama rin niya ang doktorang sister at ang bading na kapatid, si Babot.

Hindi na lang namin nausisa ang isang ka-close ni Vice kung kasama rin ba sa Korea ang unidentified boyfriend ng It’s Showtime host.

Bago pala umalis si Vice ng ‘Pinas, ilang araw siyang nag-taping para sa Miss Q & A segment niya sa It’s Showtime.

***

Sayang at walang cameras ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na nakatutok sa kanya nang minsang magpa-dentist si Annabelle Rama.

Sa 17th floor kasi ng isang mataas na building sa Ortigas Center, Pasig City ang dental clinic na pinuntahan ni Bisaya.

Eh nag-sound off ang alarm ng building at may sunog daw.

Paglabas ni Bisaya ng dental clinic kasama ang kanyang dentist, nagkakagulo na at hindi na puwedeng mag-elevator (bawal mag-elevator kapag may sunog).

Sa hagdanan, marami nang nagtatakbuhan pababa.

Annabelle Rama
Annabelle Rama

Inatake ng nerbiyos si Bisaya at bigla siyang nasi-CR.

Inaawat ng kanyang dentist si Bisaya na mag-CR at kailangan na nilang bumaba mula sa 17th floor gamit ang hagdan, pero nagpumilit pa rin si Bisaya na mag-CR.

Hindi na kasi niya kayang pigilin ang kanyang pag-jingle na bunga ng nerbiyos na nararamdaman.

“Hindi ko kakayaning mag-hagdan. Ang taas ng 17th floor at nagtutulakan pa ‘yung iba at baka malaglag lang ako sa hagdan, buti na lang at may tumawag sa dentist ko at sinabing OK na. Wala talagang sunog.

“May gulong lang daw ng kotse na nasunog sa may basement kaya nag-(sound off ang) alarm,” kuwento ni Bisaya.

Ang hirap daw pala kapag ganoong sitwasyon lalo na at nasa 17th floor ang kanyang dental clinic.